May ilang hindi inaasahan, at kung minsan mga mapanganib na epekto, ang pagsikat ng mga wireless device. Ang nakakabahalang dami ng mga aksidente sa daan ay kaugnay sa hindi pagpopokus habang nagmamaneho, kasama na ang paggamit ng cell phone habang nagmamaneho, na nagreresulta sa pinsala at kawalan ng buhay. Nakakabahala ang estadistika ng bansa.
Sa Estados Unidos, siyam na tao ang namamatay at higit sa 1,000 ang napipinsala kada araw sa mga iniulat na insidente ng banggaan na kaugnay ng hindi pagpopokus habang nagmamaneho, ayon sa pinakabagong datos mula sa National Highway Traffic Safety Association (NHTSA). Noong 2019, higit sa 3,100 katao ang namatay sa mga aksidente na may kinalaman sa hindi pagpopokus habang nagmamaneho, at noong 2018, tinatayang 400,000 katao ang napinsala sa mga banggaan na sangkot ang mga nagmamaneho nang hindi nagpopokus.
Ang pinakakaraniwang gumagamit ng handheld cell phone ang mga drayber na 16 hanggang 24 na taong gulang, ayon sa National Occupant Protection Use Survey ng NHTSA (PDF).
Anong magagawa mo?
Maging malinaw: Siguruhing nauunawaan ng mga baguhang drayber na hindi sila dapat gumamit ng wireless device habang nagmamaneho. Bago makakuha ng lisensya ang mga baguhang drayber, talakayin sa kanila kung paanong ang pag-alis ng tingin nila sa kalsada - kahit ilang segundo lang - ay maaaring magdulot ng pinsala o kahit kamatayan ng isang tao.
Maging halimbawa: Magtakda ng mga patakaran para sa mga baguhang drayber, at para sa sarili mo, tungkol sa hindi pagpopokus habang nagmamaneho. Huwag mag-text habang nagmamaneho - kung nagmamaneho ka at kailangan mong mag-text o makipag-usap sa telepono, huminto sa isang ligtas na lugar bago ito gawin.
Maging Aktibo: Sabihin sa pamilya at mga kaibigan ang kahalagahan ng pagpopokus habang nagmamaneho. Dalhin ang impormasyon sa mga paaralan ng iyong mga anak at humiling na ibahagi ito sa mga mag-aaral at magulang.
Mga batas ng estado
Bagaman walang pambansang pagbabawal sa pagte-text o paggamit ng wireless phone habang nagmamaneho, maraming estado ang gumagawa ng aksyon, ayon sa non-profit na Governors Highway Safety Association (GHSA):
- 25 estado, ang District of Columbia, Puerto Rico, U.S. Virgin Islands, at Guam ay nagbabawal sa mga drayber na gumamit ng handheld phone habang nagmamaneho.
- 48 estado, ang District of Columbia, Puerto Rico, U.S. Virgin Islands, at Guam ay nagbabawal sa pagte-text habang nagmamaneho para sa lahat ng drayber.
- 37 estado at ang District of Columbia ay nagbabawal sa lahat ng uri ng paggamit ng cell phone ng mga baguhang drayber habang nagmamaneho.
- 23 estado at ang District of Columbia ay nagbabawal sa mga drayber ng school bus na gumamit ng cell phone habang nagmamaneho.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga batas ng estado, bisitahin ang Governors Highway Safety Association.
Para sa higit pang impormasyon at estadistika tungkol sa mga wireless device at pagmamaneho, bisitahin ang nhtsa.gov/risky-driving/distracted-driving.
Mga alternatibong format
Para humiling ng artikulong ito sa alternatibong format - braille, large print, Word o text document o audio – sumulat o tawagan kami sa address o numero ng telepono na nasa ibaba ng pahina, o mag-email sa fcc504@fcc.gov.
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.