Ang mga antenna na nakakabit sa sasakyan na ginagamit para sa wireless na komunikasyon ay normal na gumagana nang nasa power level na tatlong watt o mas mababa. Ang mga wireless antenna na ito ay karaniwang nakakabit sa bubong, likod o salamin sa likod ng isang kotse o truck.
Ayon sa mga pag-aaral, upang malantad sa mga antas ng RF na malapit sa mga limitasyong pangkaligtasan na ipinapatupad ng FCC, kailangang manatiling napakalapit sa wireless antenna na nakakabit sa sasakyan nang matagal na panahon. Ayon din sa mga pag-aaral, ang metal na katawan ng saksakyan ay mabisang nakakapagprotekta sa mga nasa loob. Ang wastong paglagay ng antenna ng nakakabit sa sasakyan upang dagdagan ang shielding effect na ito ay isang magandang paraan upang bawasan ang pagkalantad. Inirerekomenda ng ilang kumpanya na mag-install ng mga antenna sa gitna ng bubong o gitna ang likod ng isang sasakyan. Bilang tugon sa mga alalahaning ipinapahiwatig tungkol sa mga karaniwang ginagamit na wireless antenna na nakalagay sa salamin sa likod, nagmungkahi ng minimum na layong 1-2 talampakan bilang paraan para mabawasan ang pagkalantad sa mga nasa loob ng sasakyan.
Mula sa data na nakalap, ang mga personal na wireless antenna na na-install nang wasto at nakakabit sa sasakyan, ang paggamit ng hanggang tatlong watt ng kuryente ay nagreresulta sa maximum na antas ng pagkalantad sa o malapit sa sasakayan na karaniwang mas mababa sa mga limitasyong pangkaligtasan ng FCC, kung 6 na pulgada o higit pa ang layo ng transmitting antenna sa mga nasa loob ng sasakyan.