Kapag nag-long distance call sa isang wireless na telepono sa ibang bansa mula sa iyong wireline na telepono sa U.S., maaaring magkaroon ng surcharge ang iyong bill bilang karagdagan sa iyong mga karaniwang singilin.

Maraming bansa ang gumagamit ng isang framework kung saan "ang tumatawag ang nagbabayad," at tanging ang mga papalabas lang na tawag ang binabayaran ng mga subscriber ng wireless na telepono. Dapat bayaran ng tumatawag ang mga tawag sa mga wireless na telepono. Dahil dito, kapag tumawag ka sa mga internasyonal na wireless na customer gamit ang iyong landline phone, maaaring ipasa ng mga service provider sa ibang bansa sa iyong service provider sa U.S. ang karagdagang bayarin para sa pagkonekta ng tawag, na lalabas bilang isang surcharge sa iyong bill.

Mga tip upang maiwasan ang mga surcharge

  • Makipag-ugnayan sa iyong long distance na service provider para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga internasyonal na wireless na surcharge at internasyonal na rate.
  • Tingnan ang website ng iyong service provider, na maaaring may mga nakalistang surcharge para sa mga tawag sa mga partikular na bansa.
  • Gumagamit ang ilang bansa ng mga natatanging numero ng telepono para sa mga wireless na telepono. Makipag-ugnayan sa iyong service provider para sa isang listing ng mga numerong iyon upang malaman kaagad kung magreresulta ba sa isang surcharge ang pagtawag sa isang partikular na numero sa ibang bansa.

 

Date Last Updated/Reviewed: 
Wednesday, June 14, 2017