Ang FCC ay may mga panuntunan at patakaran ng Equal Employment Opportunity (EEO) para sa mga radio at TV broadcaster at multichannel video programming distributor (MVPD), gaya ng mga operator ng cable TV at satellite TV. Ipinagbabawal sa mga panuntunan ang diskriminasyon sa pagbibigay ng trabaho batay sa laki, kulay ng balat, relihiyon, bansang pinagmulan, o kasarian ng mga broadcaster at MVPD. Partikular ding ipinagbabawal sa mga panuntunan ang diskrimasyon sa pagbibigay ng trabaho para sa mga MVPD batay sa edad. Inaatasan ng mga panuntunan ng EEO ang mga broadcaster na kumuha ng lima o higit pang full-time na empleyado, at mga MVPD na kumuha ng anim o higit pang full-time na empleyado, upang magpanatili ng EEO recruitment program. Kabilang sa mga panuntunan sa recruitment ang mga kinakailangan sa pagbibigay ng abiso ng mga bakanteng trabaho at pagsasagawa ng mga karagdagang hakbang sa pag-abot sa lahat ng kwalipikadong kandidato sa trabaho, gaya ng pagsasagawa ng mga job fair at pagtatatag ng mga programa ng scholarship.

Mga iniaatas ng panuntunan ng FCC

Inaatasan ng mga panuntunan ng EEO ng FCC ang mga broadcaster at MVPD na sumailalim sa mga kinakailangan sa recruitment upang:

  • malawakang maipamahagi ang impormasyon tungkol sa bawat full-time (30 oras o higit pa) na bakanteng trabaho, maliban sa mga bakanteng nangangailangan ng mga bihasa at espesyal na kakayahan;
  • magbigay ng abiso sa bawat full-time na bakanteng trabaho sa mga organisasyon ng recruitment na humihiling ng abiso; at
  • kumumpleto ng dalawa (para sa mga broadcast employment unit na may lima hanggang 10 full-time na empleyadong makikita sa mas maliliit na market) o apat (para sa mga employment unit na may mahigit 10 full-time na empleyadong makikita sa mas malalaking market) na hakbang sa mas mahahabang terminong recruitment sa loob ng dalawang taon. Dapat kumumpleto ang mga MVPD ng isa (para sa mga unit na may 6 hanggang 10 full-time na empleyado sa mas maliliit na market) o dalawang (para sa mga unit na may mahigit 10 full-time na empleyado sa mas malalaking market) hakbang sa loob ng isang taon. Maaaring kabilang sa mga hakbang na ito ang mga job fair, programa ng scholarship at internship, at iba pang kaganapan sa komunidad na idinisenyo upang magbigay-alam sa publiko tungkol sa mga pagkakataon sa broadcasting.

Kabilang sa mga panuntunan ng EEO ang mga kinakailangan sa pagpapanatili ng tala at at pag-uulat para sa mga broadcaster at MVPD. Mas limitado ang mga kinakailangan para sa mga entity sa mas maliliit na market.

Sinusuri ng FCC ang pagsunod ng mga broadcaster sa mga panuntunan ng EEO:

  • sa panahong na-renew ang lisensya ng broadcaster;
  • sa mid-term ng lisensya para sa mga istasyon ng telebisyon na may lima o higit pang full-time na empleyado at para sa mga istasyon ng radyo na may 11 o higit pang full-time na empleyado; at
  • sa mga random audit.

Sinusuri ng FCC ang pagsunod ng mga MVPD kada taon sa pamamagitan ng mga pagsusuri sa Mga Form 396-C ng FCC (sa Ingles) na inihain ayon sa mga unit, at sa pamamagitan ng mga random audit.

Makakapaghain ka ng mga komento sa FCC tungkol sa pagsunod sa EEO ng mga broadcaster at MVPD anumang oras.

Nauugnay na Impormasyon

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.