Higit pa Tungkol sa Pagnanakaw sa Pagkakakilanlang Nauugnay sa Buwis

Higit pa Mula sa FCC

May matagal nang kasabihan na walang tiyak, maliban sa kamatayan at mga buwis. Isang na-update na bersyon, para sa kasalukuyang panahon, maaaring magdagdag ng mga scam sa telepono.

Ang panahon ng paghahain ng buwis ay paparating na (sa English), at ang IRS at iba pang ahensya at organisasyong pumoprotekta sa consumer ay hinihikayat ang mga nagbabayad ng buwis na maghain nang maaga hangga't maaari para maiwasang maging biktima ng Pagnanakaw sa Pagkakakilanlang Nauugnay sa Buwis (sa English). Nangyayari ang pagnanakaw sa pagkakakilanlan ng nagbabayad ng buwis kapag naghain ng mapanlokong return nang hindi mo nalalaman, gamit ang iyong pangalan. Ang nagreresultang refund ay ipinapadala sa scammer na nagpapanggap na ikaw, at hindi mo ito malalaman hanggang sa subukan mong ihain ang iyong return.

Ang Pagnanakaw sa Pagkakakilanlang Nauugnay sa Buwis ay isang scam sa buwis ngunit marami pang iba.  Sa isang kamakailang alerto (sa English), inilalarawan ng Internal Revenue Service ang isang bagong twist sa lumang scam ng impostor sa Social Security kung saan nagbabanta ang isang scammer na sususpindihin o kakanselahin ang Social Security Number ng target.

"Kung makakatanggap ng tawag ang mga nagbabayad ng buwis na nagbabantang sususpindihin ang kanilang SSN dahil sa isang hindi nabayarang bill ng buwis, dapat nilang tapusin lang ang tawag," ang sabi ng IRS. "Huwag magkakamali, isa itong scam."

Ang mga scam ng impostor (sa English) ay kadalasang nagta-target ng mabilis na pagbabayad sa pamamagitan ng pagpipilit sa biktima na kumuha ng mga gift card at ibahagi ang mga numero ng card sa telepono, ngunit maaaring humantong sa mas malaking "score" para sa mga scammer ang pagnanakaw sa pagkakakilanlang nauugnay sa buwis.  Ang mga paglabag sa data ay nagbibigay sa mga kriminal ng maraming impormasyong kinakailangan nila para maghain ng mga hindi totoong return (sa English). Kapag wala silang sapat na personal na impormasyon para maghain ng return, kadalasan ay tinatawagan nila ang target na biktima at nagpapanggap silang bahagi ng IRS o iba pang ahensya ng gobyerno na sinusubukang mag-verify ng impormasyon.

Binabalaan ka ng FCC at IRS na hindi ka dapat magbigay ng personal na impormasyon sa isang taong tumatawag sa iyo. Wakasan palagi ang tawag at i-verify mo mismo ang numero bago tumawag muli. Tandaang hindi gumagawa ng mga papalabas na tawag ang IRS mula sa mga toll-free na numero nito. Kung makakakita ka ng toll-free na numerong kinikilala sa iyong caller ID bilang IRS, isa itong panlolokong tawag.

 

Ang Dapat Pag-ingatan

Ipinapayo ng IRS sa mga nagbabayad ng buwis na hinding-hindi ginagawa ng ahensya ang mga sumusunod: 

 

  • Tumatawag para humingi ng agarang bayad gamit ang isang partikular na uri ng pagbabayad tulad ng prepaid debit card, mga gift card, o wire transfer. Hindi gumagamit ang IRS ng mga ganitong paraan ng pagbabayad para sa mga pagbabayad ng buwis.
  • Humihiling sa nagbabayad ng buwis na magbayad sa isang tao o organisasyon bukod pa sa U.S. Treasury.
  • Nagbabantang magpapadala agad ng lokal na pulis o iba pang grupo ng tagapagpatupad ng batas para arestuhin ang nagbabayad ng buwis dahil sa hindi pagbabayad.
  • Hinihinging bayaran ang mga buwis nang hindi nagbibigay ng pagkakataon sa nagbabayad ng buwis na magtanong o umapela tungkol sa halagang dapat bayaran.

Ang Maaari Mong Gawin

Iniaalok ng IRS ang sumusunod na payo para sa mga nagbabayad ng buwis na sa palagay nila ay naging target sila ng scam sa telepono:

  • Iulat ang tawag sa Treasury Inspector General for Tax Administration (sa English).
  • Iulat sa IRS ang caller ID at numero ng callback sa pamamagitan ng pagpapadala nito sa phishing@irs.gov. Ang nagbabayad ng buwis ay kailangang ilagay ang "Scam sa Telepono na Nauugnay sa IRS" sa linya ng paksa.
  • Iulat ang tawag sa Federal Trade Commission (sa English). Kapag iniuulat ito, kailangan nilang idagdag sa mga tala ang "Scam sa Telepono na Nauugnay sa IRS."

Dapat ka ring maghain ng reklamo (sa English) sa FCC tungkol sa mga scam sa telepono. Basahin ang FAQ ng Center ng Reklamo ng FCC (sa English) para matuto pa tungkol sa proseso ng hindi pormal na reklamo ng FCC, kabilang ang kung paano maghain ng reklamo at ano ang nangyayari pagkatapos maghain ng reklamo.

 

 

 

   

 

 

Updated:
Monday, March 29, 2021