FCC Consumer Video: Don't Hang On, Hang Up! Para panoorin ang video na ito nang may mga caption, pindutin ang i-play, mag-click sa icon ng mga setting, pagkatapos ay i-click ang "Mga Subtitle/CC" at pumili sa mga available na wika.

Ano Ang Spoofing?

Sa spoofing, sinasadya ng isang tumatawag na pekein ang impormasyong ipinapadala sa inyong caller ID display para ikubli ang kanyang pagkakakilanlan. Karaniwang gumagamit ang mga scammer ng neighbor spoofing nang sa gayon ay mukhang nanggagaling sa isang lokal na numero ang isang papasok na tawag, o nagsu-spoof sila ng numero mula sa isang kumpanya o ahensya ng pamahalaan na maaaring kilala o pinagkakatiwalaan na ninyo. Kung sasagot kayo, gumagamit sila ng mga scam script para subukang nakawin ang inyong pera o mahalagang personal na impormasyong maaaring gamitin sa mapanlinlang na aktibidad.

Panoorin ang video at mag-click sa mga tab para matuto pa tungkol sa spoofing at kung paano iwasang ma-scam.

Kung sa tingin ninyo ay naging biktima kayo ng spoofing scam, maaari kayong maghain ng reklamo sa FCC.

 

Mga Spoofing Scam

Nabibiktima ng Mga Scam ang Matatandang Asian American

Nagbahagi ng data ang isang bisita sa FCC Webinar na nagpapakita sa pisikal at mental na epekto ng pagiging biktima ng scam para sa matatandang Asian American Pacific Islander. Basahin ang Artikulong ito (5/30/19)

Mas Matanda - pero Mas Wais - Mga Telecom User

Ipinapakita ng mga kamakailang pag-aaral na napapantayan ng mga Baby Boomer ang mga Millennial sa pang-araw-araw na paggamit ng smartphone, pero mas madalas maging biktima ng scam ang mas batang henerasyon. Basahin ang artikulong ito (5/16/19)

Protektahan ang Iyong Sarili Laban sa Mga Social Security Spoofing Scam

Nakakonekta sa inyong Social Security number ang halos lahat ng inyong pinansyal at medikal na record, kaya pangunahing target ito ng mga robocall spoofing scam. Iwasang maging biktima sa pamamagitan ng paggawa ng ilang simpleng hakbang. Basahin ang artikulong ito (4/16/19)

Na-spoof ang Numero ng FCC Call Center sa Isang Chinese Consulate Scam

Ang mga tawag sa wikang Chinese na nauugnay sa, o nagpapakita ng, 1-888-225-5322 (1-888-CALL-FCC) sa caller ID ay mapanlinlang, at dapat ninyong ibaba kaagad ang tawag. Basahin ang artikulong ito (3/29/19)

Paano Iwasan ang Spoofing

You may not be able to tell right away if an incoming call is spoofed. Be extremely careful about responding to any request for personal identifying information.

Hindi mo agad matutukoy kung ang isang paparating na tawag ay nagpapanggap. Maging maingat nang mabuti sa pagsasagot sa kahit na anong kahilingan para sa impormasyon ng personal na pagkakakilanlan.

  • Huwag sumagot ng mga tawag mula sa mga hindi kilalang numero. Kapag nasagot mo ang ganoong tawag, ibaba ito ng agaran.
  • Kapag sinagot mo ang telepono at ang tumawag - o isang naka-rekord - ay nagsasabi sa iyo na pindutin ang isang pindutan upang maitigil ang pagkuha ng mga tawag, dapat mong ibaba na lamang ito. Ang mga manloloko ay karaniwan na ginagamit ito upang matukoy ang mga potensyal na biktima.
  • Huwag sumagot sa kahit na anong mga katanungan, lalong lao na ang mga bagay na maaaring saguti ng "Oo" o "Hindi."
  • Kailanman ay huwag magbibigay ng personal na impormasyon tulad ng mga numero ng akawnt, numero ng Social Security, mga pangalan ng pagkadalag ng ina, mga password o iba pang impormasyon ng pagkakalinlan bilang sagot sa mga hindi inaasahang mga tawag o kung ikaw ay talagang nagdududa.
  • Kapag ikaw ay nakakuha ng katanungan mula sa isang tao na nagsasabi na siya ay representante ng isang kompanya o isang ahensya ng gobyerno, ibaba ng agaran at tawagan ang numero ng telopono sa iyong talaan ng akawnt, sa listahan ng iyong telepono, o sa website ng kompanya o ahensya ng gobyerno upang tuklasin ang katotohanan ng kahilingan. Ikaw ay kadalasan na makakakuha ng talaan na nakasulat sa koreo bago ka makatanggap ng tawag sa telopono mula sa isang lehitimong pinanggalingan, lalo na kung ang tumatawag ay humihingi ng kabayaran.
  • Mag-ingat kapag ikaw ay pinipilit na magbigay agad-agad nang impormasyon.
  • Kapag ikaw ay may akawnt na koreo pang-salitaan sa iyong serbisyong pang-telepono, siguraduhin lamang na maglagay ng password para dito. Ang ibang mga serbisyo na korea pang-salitaan ay naka-plano na pinapayagan ang pagpasok kung ikaw ay tatawag mula sa numero ng iyong sariling telepono. Ang isang hacker ay maaaring magaya ang iyong numero sa telepono ng iyong tahanan at magkaroon ng pagkakataon na mapasok ang iyong kore pang-salitaan kapag ikaw ay hindi naglagay ng password.
  • Makipag-usap sa inyong phone company tungkol sa mga tool para sa pag-block ng tawag at subukan ang mga app na mada-download ninyo sa inyong mobile device. Pinapayagan ng FCC ang mga phone company na mag-block ng mga robocall bilang default batay sa makatwirang analytics. May available na higit pang impormasyon tungkol sa pag-block ng robocall sa fcc.gov/robocalls/tagalog.

Tandaang regular na tingnan ang inyong voicemail para tiyaking wala kayong nakakaligtaang mahahalagang tawag at alisin ang anumang spam na tawag na maaaring makapuno sa inyong voicemail box.

Mga Q&A

  • Ano ang maaari mong gawin kung ang iyong umero ay ginaya?  expand and contract
  • Ano ang pagpapanggap na kapitbahay o neighbor spoofing?  expand and contract
  • Kailan nagiging ilegal ang pagpapanggap?  expand and contract
  • Ano ang paghaharang o pagtatatak?  expand and contract
  • Ano ang mga panuntunan sa pagkakakilanlan ng tumatawag para sa mga telemarketer?  expand and contract

 

Date Last Updated/Reviewed: 
Thursday, July 11, 2019