Sa maraming estado, ida-dial lang ang “211” at madali nang makukuha ng mga indibidwal at pamilya ang mga kailangan nilang numero ng telepono para sa ahensya ng serbisyong pangkalusugan at pantao.  Sa pamamagitan lang ng pag-dial sa 211, ang mga nangangailangan ng tulong ay maaaring ma-refer, at kung minsan ay maikonekta, sa mga naaangkop na ahensya at organisasyong pangkomunidad.

Nakakatulong ang pag-dial ng 211 upang madirekta ang mga tumatawag sa mga serbisyo para sa matatanda, may kapansanan, mga hindi nagsasalita ng wikang Ingles, may personal na pinagdaraanan, may limitadong kakayahan sa pagbabasa, at mga bago sa kanilang mga komunidad, bukod sa iba pa.

Magagamit ang 2-1-1 ng tinatayang 270 milyong katao, o humigit-kumulang 90% ng kabuuang populasyon ng U.S. Sinasaklaw nito ang lahat ng 50 estado (kabilang ang 41 estadong may mahigit 90 porsyentong pagsaklaw), ang District of Columbia, at ang Puerto Rico. Upang malaman kung magagamit ang mga serbisyo ng 211 sa iyong lugar at upang makakuha ng higit pang impormasyon, pumunta sa www.211.org (sa Ingles).

Paano Gumagana ang 211

Parang 911 ang 211.  Ang mga tawag sa 211 ay iniruruta ng lokal na kumpanya ng telepono sa isang lokal o panrehiyong call center.  Ang mga referral specialist ng 211 center ay tumatanggap ng mga kahilingan mula sa mga tumatawag, nag-a-access ng mga database ng mga magagamit na mapagkukunan mula sa mga pribado at pampublikong ahensya ng serbisyong pangkalusugan at pantao, nagtutugma ng mga pangangailangan ng mga tumatawag sa mga magagamit na mapagkukunan, at nagkokonekta o nagre-refer sa kanila nang direkta sa isang ahensya o organisasyon na maaaring makatulong.  

Mga Uri ng Mga Referral na Iniaalok ng 211 

  • Mga Mapagkukunan para sa Mga Pangunahing Pangangailangan ng Tao – kabilang ang mga mapagkukunan ng pagkain at damit (food and clothing bank), mga shelter, tulong sa upa, at tulong sa utility.
  • Mga Mapagkukunan para sa Kalusugan ng Katawan at Pag-iisip – kabilang ang mga programa ng insurance na pangkalusugan, Medicaid at Medicare, mga mapagkukunan para sa kalusugan ng buntis, mga programa ng insurance na pangkalusugan para sa mga bata, mga linya ng medikal na impormasyon, mga serbisyo ng interbensyon sa krisis, mga grupo ng suporta, pagpapayo, at interbensyon at rehabilitasyon para sa pang-aabuso sa droga at alak.
  • Suporta sa Trabaho – kabilang ang tulong pinansyal, pagsasanay sa trabaho, tulong sa transportasyon, at mga programa ng edukasyon.
  • Access sa Mga Serbisyong nasa Mga Wikang Hindi Ingles - kabilang ang mga serbisyo sa pagsasalin at interpretasyon ng wika upang tulungan ang mga taong hindi nagsasalita ng Ingles na makahanap ng mga pampublikong mapagkukunan (iba-iba ang mga serbisyo sa banyagang wika depende sa lokasyon.)
  • Suporta para sa Mga Nakatatandang Amerikano at Mga Taong May Kapansanan – kabilang ang pangangalaga sa araw para sa nasa hustong gulang, mga pagkaing pangkomunidad, respite care, pangangalagang pangkalusugan sa tahanan, mga serbisyo sa transportasyon at pag-aasikaso sa tahanan.
  • Suporta para sa Mga Bata, Kabataan, at Pamilya – kabilang ang pangangalaga sa bata, mga programang pagkatapos ng pasok sa paaralan, mga programang pang-edukasyon para sa mga pamilyang may maliit na kita, mga center ng mapagkukunan para sa pamilya, mga summer camp at programang panlibangan, at mga serbisyo ng pagtuturo, pag-tutor, at proteksyon.
  • Pagpigil sa Pagpapakamatay – pagre-refer sa mga organisasyong tumutulong sa pagpigil sa pagpapakamatay.  Maaari ding i-dial ng mga tumatawag ang mga sumusunod na numero ng National Suicide Prevention Hotline na pinangangasiwaan ng Substance Abuse and Mental Health Services Administration ng U.S. Department of Health and Human Services:
  • 1-800-SUICIDE (1-800-784-2433)
  • 1-888-SUICIDE (1-888-784-2433)
  • 1-877-SUICIDA (1-877-784-2432) (Spanish)

Sa mga nagnanais na magbigay ng oras o pera sa mga organisasyong tumutulong sa komunidad, maaari ninyo itong gawin sa pamamagitan ng pag-dial sa 211.

 

Date Last Updated/Reviewed:

Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format

Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."

 

Help Center ng Consumer

Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)

 

Maghain ng Reklamo sa FCC

Maghain ng Reklamo sa FCC

Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.