Ang Lifeline ay ang programa ng FCC para makatulong na gawing mas abot-kaya ang mga serbisyo ng pakikipag-ugnayan para sa mga consumer na may mababang kita. Nagbibigay ang Lifeline ng diskwento sa mga subscriber sa buwanang serbisyo ng telepono, serbisyo ng broadband Internet, o mga naka-bundle na voice-broadband package na nabili mula sa mga kalahok na wireline o wireless provider. Tumutulong ang diskwentong matiyak na abot-kaya para sa mga consumer na may mababang kita ang ika siglong broadband at ang access na ibinibigay nito sa mga trabaho, pangangalagang pangkalusugan, at mapagkukunan para sa edukasyon.
Lifeline Sa Panahon Ng Coronavirus Pandemic
Upang makatulong na panatilihing konektado ang mga Amerikano sa panahon ng pandemya ng coronavirus, pansamantalang isinuko ng FCC ang mga kinakailangan sa recertification at reverification para sa mga subscriber na naninirahan sa mga lupain ng Tribal, at pinalawig ang mga waiver na iyon hanggang Enero 31, 2023. Ang pinakabagong FCC waiver order ay inilabas noong Setyembre 30, 2022 (i-download PDF: https://docs.fcc.gov/public/attachments/DA-22-1039A1.pdf) at makakatulong ito na matiyak na ang mga subscriber ng Lifeline ay hindi kusang-loob na tinanggal mula sa programa ng Lifeline sa panahong ito ng pambansang krisis. Ang lahat ng iba pang pagwawaksi ng Lifeline na dati nang inilagay bilang resulta ng pandemya ng coronavirus ay natapos na.
Kung naghahanap ka ng higit pang impormasyon tungkol sa Affordable Connectivity Program pumunta dito.
Paano Gumagana ang Lifeline
Nagbibigay ang Lifeline ng hanggang $9.25 na buwanang diskwento sa serbisyo para sa mga kwalipikadong subscriber na may mababang kita. Maaaring makatanggap ang mga subscriber ng diskwento sa Lifeline sa alinman sa wireline o wireless na serbisyo, pero hindi sila maaaring makatanggap ng diskwento sa dalawang serbisyo nang sabay. Sinusuportahan din ng Lifeline ang serbisyo ng broadband Internet at mga broadband-voice bundle. Ipinagbabawal ng mga panuntunan ng FCC ang mahigit isang serbisyo ng Lifeline kada sambahayan.
Magagamit ng mga kwalipikadong consumer na may mababang kita ang Lifeline sa bawat estado, commonwealth, teritoryo, at sa mga Tribal land. Pinapangasiwaan ng Universal Service Administrative Company (USAC) ang programa ng Lifeline. Responsibilidad ng USAC ang pagkolekta ng at pag-iingat sa data, pagsuporta sa pagkakalkula, mga disbursement, at pagtulong sa mga consumer kaugnay ng pagiging kwalipikado sa Lifeline at pagpapatala sa programa. Nagbibigay ang website ng USAC ng karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, kasama ang mga kinakailangan sa programa.
Para lumahok sa programa ng Lifeline, ang mga consumer ay dapat mayroong kitang katumbas ng o mas mababa sa 135% ng Mga Pederal na Alituntunin sa Kahirapan o kasali sa ilang partikular na pederal na programa ng tulong, gaya ng Programa ng Karagdagang Tulong sa Nutrisyon (Supplemental Nutrition Assistance Program, SNAP), Medicaid, Pederal na Tulong sa Pampublikong Pabahay, Karagdagang Pansegurong Kita, ng Benepisyo ng Pensyon ng Mga Beterano at Survivor, o ilang partikular na Tribal na Programa. Makikita mo kung kwalipikado ka sa pamamagitan ng pagsusuri sa impormasyong available sa lifelinesupport.org (i-click ang "Kwalipikado Ba Ako?").
National Verifier para sa Pagiging Kwalipikado sa Lifeline
Para mag-apply sa Lifeline, dapat gamitin ng consumer ang National Verifier application system. Ang National Verifier ay isang sentralisadong system na binuo ng FCC at pinapatakbo ng USAC na siyang nagpapatunay sa pagiging kwalipikado ng aplikante ng Lifeline at muling nagsesertipika sa pagiging kwalipikado ng subscriber taun-taon.
Noong Hunyo 2020, ganap nang inilunsad ang National Verifier sa lahat ng estado at teritoryo, maliban sa California, Oregon, at Texas. Para sa mga consumer sa mga estadong iyon, o kung gusto ninyong tulungan kayo ng provider ng serbisyo kapag nag-apply kayo, pakigamit ang tool na "Mga Kumpanyang Malapit Sa Akin" para maghanap ng provider ng serbisyo ng programa ng Lifeline sa lugar ninyo.
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa aplikasyon mo, o gusto mong mag-mail sa iyo ng aplikasyon, makipag-ugnayan sa Lifeline sa (800) 234-9473 o ?LifelineSupport@usac.org.
Mga Panuntunan ng Programa
Kasama sa mga pangunahing panuntunan ang sumusunod:
- Available lang ang Lifeline sa mga subscriber na may pagiging karapat-dapat na mave-verify sa pamamagitan ng pagtingin sa database ng pagiging karapat-dapat sa programa o sa pamamagitan ng pagsusumite ng dokumentong nagpapakita sa kanilang pagiging karapat-dapat.
- Isang benepisyo ng Lifeline lang ang pinapahintulutan kada sambahayan. Ipinagbabawal ng mga pederal na panuntunan na makatanggap ang mga subscriber ng mahigit sa isang serbisyo ng Lifeline. Kung mayroon ang isang subscriber o ang kanyang sambahayan ng mahigit sa isang serbisyong may diskwento ng Lifeline, dapat silang umalis sa pagkaka-enroll agad sa iba pang serbisyo ng Lifeline dahil kung hindi, puwede silang pagmultahin.
- Tanging mga subscriber na may mababang kita na napag-alamang karapat-dapat ang kwalipikadong mag-enroll.
- Dapat na muling sertipikado ng mga subscriber ang kanilang pagiging karapat-dapat bawat taon at dapat tumugon sa anumang mga kahilingan mula sa tagapangasiwa ng National Verifier o Lifeline ng estado upang muling kumpirmahin ang pagiging karapat-dapat. Ang mga subscriber na hindi muling nagsisiguro sa kanilang pagiging karapat-dapat ay aalisin sa pagkaka-enroll mula sa Lifeline program. Pakitandaan na, alinsunod sa isang waiver na inaprubahan ng FCC, ang mga kinakailangan sa muling sertipikasyon para sa mga subscriber na nakatira sa mga lupain ng Tribal ay sinuspinde hanggang Enero 31, 2023.
Tribal
Mga Pinahusay na Benepisyo ng Lifeline para sa Mga Tribal Land
Sa ilalim ng isang waiver na inaprubahan ng FCC bilang tugon sa COVID-19 pandemic, hanggang Nob. 30, 2020, maaaring piliin ng isang carrier ng Lifeline na simulan kaagad ang pagbibigay ng serbisyo ng Lifeline sa isang consumer na naninirahan sa isang rural na Tribal na lugar na mag-a-apply para sa Lifeline pero hindi makakapagbigay ng kinakailangang dokumentasyon para lutasin ang isang nabigong naka-automate na pagsusuri sa oras ng aplikasyon. Magkakaroon ang consumer ng 45 araw mula sa petsa ng aplikasyon para isumite ang dokumentasyon. Ang carrier ng Lifeline na pipiliing magbigay ng serbisyo sa ilalim ng waiver na ito ay maaaring mag-claim sa subscriber na iyon para sa reimbursement mula sa Universal Service Fund pagkatapos maisumite ng subscriber ang kinakailangang dokumentasyon at matanggap niya ang pagtukoy ng pagiging kwalipikado. Maaaring i-claim ng carrier ang suporta ng Lifeline sa loob ng hanggang 45 araw mula nang maibigay ang serbisyo bago ang pagtukoy ng pagiging kwalipikado. Makakatulong ang pamamaraang ito sa mga kwalipikadong consumer sa mga rural na Tribal na lugar na magpatala sa Lifeline habang iniiwasan ang mga personal na pagsasalamuha sa oras ng aplikasyon at mabilis na makonekta sa mahahalagang serbisyo ng broadband at telepono sa panahon ng COVID-19.
Dahil ang ang mga antas ng dami ng subscriber ng telepono sa mga Tribal land ay pinakamababa sa bansan, magagamit ng mga residente ng mga Tribal land na may mababang kita ang mga pinahusay na benepisyo ng Lifeline. Maaari kang makaalam pa tungkol sa kung aling mga lugar ang mga kwalipikadong Tribal land sa pamamagitan ng pagbisita sa site na ito: lifelinesupport.org/tribal-benefit.
Ang Link Up ay isang one-time na pederal na benepisyo, bawat address, na nagpapababa sa mga paunang bayad sa pagpapakabit o pag-a-activate ng ilang partikular na provider ng Lifeline na nag-aalok ng serbisyo ng telepono sa mga Tribal land.
Anong mga benepisyo ang magagamit sa pamamagitan ng suporta ng programa ng Lifeline para sa mga Tribal land?
Para sa mga consumer na may mababang kitang naninirahan sa mga Tribal land, nagbibigay ang Lifeline ng buwanang diskwentong hanggang $34.25 na bawas sa gastos sa serbisyo ng telepono, serbisyo ng broadband Internet, o mga naka-bundle na serbisyo (wireline man o wireless). Binubuo ang diskwentong ito ng $9.25 (na magagamit ng lahat ng kwalipikadong subscriber na may mababang kita sa buong United States) at ng hanggang karagdagang $25 sa pinahusya na suporta (na magagamit lang ng mga kwalipikadong subscriber na may mababang kita na naninirahan sa mga Tribal land). Nag-aalok ang ilang estado ng mga karagdagang buwanang diskwento sa pamamagitan ng sarili nilang programa ng Lifeline.
Nagbibigay ang Tribal Lands Link Up sa mga kwalipikadong subscriber na naninirahan sa mga Tribal land ng one-time na diskwentong hanggang $100 sa unang pagkakabit o pag-a-activate ng serbisyo ng telepono sa kanilang pangunahing tirahan, Para sa mga singil sa pagsisimula ng serbisyo na hanggang $200, nagbibigay din ang Link Up ng hulugan at walang interes na plano ng pagbabayad sa subscriber sa loob ng hanggang isang taon. Maaaring humiling ang mga subscriber ng Link Up nang isang beses para sa bawat pagpapalit ng address ng pangunahing tirahan (bahay). Iniaalok lang ang suporta ng Tribal Link Up sa mga carrier na nagtatayo ng imprastraktura sa mga Tribal land, kaya hindi lahat ng carrier ay maaaring magdiskwento ng kanilang bayarin sa pag-a-activate. Maaaring magtanong ang mga consumer sa kanilang provider ng Lifeline kung nag-aalok sila ng Link Up.
Ano ang mga limitasyon sa Lifeline at Link Up?
Ipinagbabawal ng mga pederal na panuntunan sa mga kwalipikadong consumer na may mababang kita na makatanggap ng mahigit sa isang serbisyo ng Lifeline nang sabay. Halimbawa, posibleng makatanggap ang mga kwalipikadong subscriber na may mababang kita ng diskwento ng Lifeline sa alinman sa serbisyo sa telepono sa bahay o sa wireless na telepono, pero hindi nila puwedeng matanggap ang diskwento ng Lifeline sa parehong serbisyo nang magkasabay.
Bukod pa rito, isang serbisyo ng Lifeline lang ang puwedeng makuha kada sambahayan. Ang "sambahayan" ay tinutukoy na anumang indibidwal o grupo ng mga indibidwal na magkakasamang naninirahan sa iisang address bilang isang unit na pang-ekonomiya. Ang "unit na pang-ekonomiya" ay tinukoy bilang "lahat ng nasa wastong edad na indibidwal na nag-aambag at nagbabahagi ng kita at gastusin ng isang sambahayan."
Available ang suporta ng Lifeline sa mga karapat-dapat na subscriber na may mababang kita na nakatira sa mga pasilidad ng panggrupong paninirahan. Puwedeng ipakita ng mga aplikante ng Lifeline noong nag-e-enroll pa lang sa programa na ang sinumang iba pang recipient ng Lifeline na nakatira sa kanilang address ng tirahan ay bahagi ng ibang hiwalay na sambahayan. Katulad nito, ipinagbabawal ng mga pederal na panuntunan na makatanggap ang mga kwalipikadong consumer na may mababang kita sa pagtanggap ng mahigit sa isang diskwento ng Tribal Link Up sa isang pangunahing tirahan.
Mga FAQ
Ano ang kasalukuyang benepisyo sa ilalim ng Programang Lifeline?
Ang diskwento ng Lifeline para sa mga kwalipikadong subscriber ay kasalukuyang $9.25 kada buwan para sa buwanang (wireline o wireless) serbisyo ng telepono, broadband, o naka-bundle na serbisyo.
Ano ang halaga ng pinahusay na benepisyo para sa mga Tribal Land?
Hanggang $25 sa pinahusay na suporta, bilang karagdagan sa hanggang $9.25 para sa tradisyunal na serbisyo ng Lifeline, ang available sa mga karapat-dapat na subscriber na may mababang kita na nakatira sa mga Tribal land.
Paano ko matutukoy kung karapat-dapat ako?
Makikita mo kung karapat-dapat ka para sa serbisyo ng Lifeline sa pamamagitan ng pagsuri sa impormasyong available sa lifelinesupport.org (sa English) sa ilalim ng "Kwalipikado Ba Ako?"
Paano ako mag-e-apply?
May ilang opsyon para mag-apply sa Lifeline. Maaari kang direktang mag-apply sa pamamagitan ng online portal ng National Verifier ng mga programa ng Lifeline (https://nationalverifier.servicenowservices.com/lifeline) o sa pamamagitan ng pagme-mail ng papel na form ng aplikasyon (makukuha sa online portal ng National Verifier pagkatapos ilagay ang iyong estado). Pakitandaang iba ang proseso ng plikasyon sa California, Oregon, at Texas. Karaniwang dapat gamitin ng mga consumer sa mga estadong ito ang proseso ng aplikasyon ng estado, o maaari silang makipag-ugnayan sa isang provider ng serbisyo.
Para makaalam pa tungkol sa kung paano mag-apply nang ikaw lang mismo sa pamamagitan ng National Verifier, bisitahin ang lifelinesupport.org (i-click ang "Paano Ito Gamitin" sa ilalim ng "National Verifier").
Maaari ka ring mag-apply sa programa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa isang provider ng serbisyo ng Lifeline nang personal sa isang lokasyon ng tindahan o online sa pamamagitan ng website ng provider ng serbisyo, kung sinusuportahan nila ang opsyong iyon. Para maghanap ng provider ng Lifeline sa iyong estado, pumunta sa data.usac.org/publicreports/CompaniesNearMe/Download/Report.
Para sa anumang tanong kaugnay ng proseso ng aplikasyon sa Lifeline, tawagan ang toll-free na numero ng USAC para sa Lifeline Support Center sa 1 (800) 234-9473, o mag-email sa LifelineSupport@usac.org.
Anong dokumento ang kailangan kong ibigay kapag nag-apply ako para sa serbisyo ng Lifeline?
Maaaring kailanganin ng mga consumer na magbigay ng dokumentasyon kung hindi awtomatikong makukumpirma ang kanilang pagiging kwalipikado sa pamamagitan ng pagtingin sa database ng pagiging kwalipikado sa programa (halimbawa, SNAP, Medicaid, atbp.).
Kasama sa tinatanggap na dokumentasyon para i-verify ang pagiging kwalipikado batay sa paglahok sa isang kwalipikadong programa ang isang kamakailang (nasa loob ng nakalipas na 12 buwan ang petsa): pahayag ng mga benepisyo mula sa isang kwalipikadong programa; liham ng abiso ng paglahok sa kwalipikadong programa; mga dokumento ng paglahok sa programa (o kopya); o ibang opisyal na dokumento ng kwalipikadong programa. Makikita ang mas detalyadong impormasyon kaugnay ng tinatanggap na dokumentasyon sa: usac.org/lifeline/eligibility/national-verifier/acceptable-documentation-for-the-national-verifier.
Kasama sa tinatanggap na dokumentasyon para sa pagve-verify ng pagiging kwalipikado ng kita ang: Ang pang-estado, pederal, o Tribal na tax return sa nakaraang taon; kasalukuyang pahayag ng kita mula sa isang employer o paycheck stub; pahayag ng mga benepisyo sa Social Security; pahayag ng mga benepisyo sa Pangangasiwa sa Mga Beterano (Veterans Administration); pahayag ng mga benepisyo sa pagreretiro o pensyon; pahayag ng mga benepisyo sa Kawalan ng Trabaho o Bayad sa Manggagawa; pederal o Tribal na liham ng abiso ng paglahok sa Karaniwang Tulong; o kautusan sa diborsyo, o iba pang opisyal na dokumentong naglalaman ng impormasyon ng kita. Dapat ipakita ng subscriber ang katulad na uri ng dokumentasyong sumasaklaw sa 3 magkakasunod na buwan sa loob ng nakalipas na 12 buwan, kung hindi sinasaklaw ng dokumentayson ang isang buong taon ng kita. Makikita ang mas detalyadong impormasyon kaugnay ng tinatanggap na dokumentasyon sa: usac.org/lifeline/eligibility/national-verifier/acceptable-documentation-for-the-national-verifier.
Kung hindi makukumpirma ang iyong pagiging kwalipikado nang awtomatiko o sa pamamagitan ng anumang dokumentasyong ibibigay mo, kakanselahin ang pagkakatala mo sa programa ng Lifeline.
Pakitandaang, dahil sa pandemic, pansamantalang ipinawalang-bisa ng FCC hanggang Nobyembre 30, 2020 ang ipinag-aatas na dapat magbigay ng dokumentasyon ng kahit tatlong magkakasunod na buwang kita ang mga consumer na nagnanais maging kwalipikado para sa programa batay sa kanilang kita. Dagdag pa, pinahusay ng FCC ang pagpapatala sa serbisyo ng Lifeline para sa mga consumer na naninirahan sa mga rural na Tribal na lugar.
Puwede ba akong kumuha ng mahigit sa isang may diskwentong serbisyo?
Hindi. Ipinagbabawal ng mga pederal na panuntunan sa mga karapat-dapat na subscriber na may mababang kita na makatanggap ng mahigit sa isang diskwento ng Lifeline kada sambahayan. Posibleng makatanggap ang isang karapat-dapat na subscriber ng diskwento sa alinman sa wireline o wireless na serbisyo sa voice (pero hindi sa pareho), o sa broadband o naka-bundle na serbisyo. Kung kasalukuyang tumatanggap ka, o sinuman sa iyong sambahayan, ng mahigit sa isang buwanang serbisyo ng Lifeline, dapat kang pumili ng isang provider para ibigay ang iyong serbisyo ng Lifeline at dapat kang makipag-ugnayan sa isa pang provider para umalis sa pagkaka-enroll sa kanilang programa. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa Support Center ng Lifeline ng USAC para sa tulong sa 1-800-234-9473 o lifelinesupport@usac.org. Mangyaring huwag ibahagi ang anumang sensitibong personal na impormasyon sa pamamagitan ng email. Posible ring mapailalim ang mga subscriber na napag-alamang lumalabag sa panuntunang isang diskwento kada sambahayan sa mga parusang kriminal at/o sibil.
Paano tinutukoy ang "sambahayan" para sa mga layunin ng Programang Lifeline?
Ang "sambahayan" ay tinutukoy na anumang indibidwal o grupo ng mga indibidwal na magkakasamang naninirahan sa iisang address bilang isang unit na pang-ekonomiya. Ang "unit na pang-ekonomiya" ay tinukoy bilang "lahat ng nasa wastong edad na indibidwal na nag-aambag at nagbabahagi ng kita at gastusin ng isang sambahayan." Gayunpaman, available ang suporta ng Lifeline sa mga karapat-dapat na subscriber na may mababang kita na nakatira sa mga pasilidad ng panggrupong paninirahan. Puwedeng ipakita ng mga aplikante ng Lifeline noong nag-e-enroll pa lang sa programa na ang sinumang iba pang recipient ng Lifeline na nakatira sa kanilang address ng tirahan ay bahagi ng ibang hiwalay na sambahayan sa pamamagitan ng pagkumpleto ng one-per-household worksheet.
Ang tool na Pre-Screening ng Pagiging Kwalipikado sa Lifeline ay magagamit sa lifelinesupport.org (piliin ang "Kwalipikado Ba Ako?") ay makakatulong sa iyong matukoy kung sino ang miyembro ng iyong sambahayan.
Pakitandaan na, dahil sa pandemya, pansamantalang isinuko ng FCC ang mga kinakailangan sa reverification para sa mga subscriber na naninirahan sa mga lupain ng Tribal at pinalawig ang mga waiver na iyon hanggang Enero 31, 2023.
Gaano ko kadalas kailangang i-verify ang aking pagiging karapat-dapat?
Isang beses kapag una kang nagpatala, at isang beses kada taon kang may serbisyong sinusuportahan ng Lifeline.
Puwede kang maging hindi karapat-dapat para sa Lifeline kung tumaas ang iyong kita, hindi ka na kasali sa isang kwalipikadong pederal na programa ng benepisyo, o mayroon na sa iyong sambahayan na may serbisyo ng Lifeline. Kung maging hindi ka karapat-dapat, dapat kang makipag-ugnayan agad sa iyong provider para umalis sa pagkaka-enroll sa programa. Kung hindi, posibleng makatanggap ka ng mga parusa. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa Support Center ng Lifeline ng USAC para sa tulong sa 1-800-234-9473 o sa pamamagitan ng email sa lifelinesupport@usac.org. Mangyaring huwag ibahagi ang anumang sensitibong personal na impormasyon sa pamamagitan ng email.
Paano kung mayroon akong libreng Lifeline?
Kung tinatanggap mo ang serbisyo ng Lifeline nang libre, dapat mong gamitin ang iyong serbisyo kada 30 araw para mapanatili ang iyong benepisyo, bilang karagdagan sa pagsunod sa lahat ng iba pang panuntunan para sa programang Lifeline.
Pakitandaang, dahil sa pandemic, pansamantalang ipinawalang-bisa ng FCC ang mga proseso ng muling pagve-verify at pagkakansela ng pagkakatala at pangkalahatang proseso ng pagkakansela ng pagkakatala at pinalawig nito ang mga waiver na iyon hanggang Nobyembre 30, 2020.
Kanino ako puwedeng makipag-ugnayan kung may isyu ako sa isang mobile phone o iba pang hardware na ibinigay ng aking service provider ng Lifeline?
Kung makakatanggap ka ng serbisyo ng Lifeline nang libre, inaatasan ka ng mga panuntunan ng programa ng Lifeline na gamitin ang iyong serbisyo kada 30 araw para panatilihin ang iyong benepisyo, dagdag pa sa pagsunod sa lahat ng iba pang panuntunan para sa programa ng Lifeline.
Who do I contact if I have a disability and want help applying for Lifeline?
Kung isa kang taong may kapansanan at kailangan mo ng tulong sa iyong aplikasyon sa Lifeline, makipag-ugnayan sa Sentro ng Suporta ng Lifeline sa lifelinesupport.org o tumawag sa 800-234-9473.
Kung mayroon kang tanong tungkol sa kung magagamit mo ang iyong serbisyo at kagamitan ng Lifeline, makipag-ugnayan sa tanggapan ng Mga Karapatan ng May Kapansanan (Disability Rights) ng FCC sa 202-418-2517 para sa tawag sa telepono, sa 844-432-2275 sa pamamagitan ng videophone, o sa pamamagitan ng email sa DRO@fcc.gov.
Mag-ulat ng Pandaraya
Pinapanatili ng Sangay sa Pagpapatupad ng FCC (FCC's Enforcement Bureau) ang nakalaang Linya sa Pag-ulat ng Pandaraya sa Lifeline (Lifeline Fraud Tip Line). Tumawag sa 1-855-4LL-TIPS (or 1-855-455-8477) (sa Ingles) o mag-email sa Lifelinetips@fcc.gov (sa Ingles) kung may pinaghihinalaan kang pandaraya sa Lifeline. Mangyaring magbigay ng higit na detalye hangga't maaari, kabilang ang pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng mga indibidwal na sangkot at ang mga kumpanyang ginagamit nila upang makatanggap ng sinusuportahang serbisyo ng telepono ng Lifeline.
Outreach
Outreach sa Consumer ng Lifeline Across America
Ang Lifeline Across America ay isang pederal at pang-estadong umiiral na grupong binuo noong 2005 para suriin ang mga pagsusumikap sa outreach sa programa ng Lifeline at para bigyan ang pang-estado, lokal, at Tribal na entity ng impormasyon at mga mapagkukunan para makatulong na matiyak na alam ng mga consumer na may mababang kita ang tungkol sa programa at nauunawaan nila ang mga kinakailangan para sa paglahok. Kasama sa mga miyembro nito ang Federal Communications Commission (FCC), ang National Association of Regulatory Utility Commissioners (NARUC), at ang National Association of State Utility Consumer Advocates (NASUCA). Nagsimula ang Lifeline Across America Working Group (LAAWG) ng pag-aaral at bumuo ito ng ulat noong 2006 kung saan ipinakita nito ang mga pagmamasid at kongklusyon nito kaugnay ng pinakamahuhusay na kagawian para sa outreach sa programa ng Lifeline. Simula noon ay nagsagawa na ang LAAWG ng ilang proyekto para mapahusay ang outreach, kasama ang Pambansang Linggo ng Pagkabatid sa Diskwento sa Telepono ng Lifeline (National Telephone Discount Lifeline Awareness Week)(Linggo ng Pagkabatid sa Lifeline), na nangyayari taun-taon sa unang buong linggo pagkatapos ng Araw ng Paggawa (Labor Day).
Para makatulong na mapaigting ang kabatiran sa inisyatibo ng Lifeline Across America at para makatulong sa pagkolketa ng input at pamamahagi ng mga materyales ng outreach, pinapanatili ng LAAWG ang nakatalagang website ng Lifeline na ito, hino-host sa website ng FCC at naka-link sa mga website ng NARUC at NASUCA. Nagbibigay ang website na ito ng impormasyon at mga mapagkukunan sa mga consumer, grupo ng mga pagtataguyod sa consumer, industriya, at mga stakehoder sa pamahalaan sa isang format na madaling magamit ng user para makatulong sa outreach ng Lifeline at magsilbi bilang isang mapagkukunan para makatulong na ipagbigay-alam sa mga consumer na may mababang kita ang tungkol sa mga panuntunan ng programa ng Lifeline.
Mga Contact sa Media ng Lifeline Across America
NARUC: Regina Davis, rdavis@naruc.org
NASUCA: Barrett C. Sheridan, (717) 783-5048, bsheridan@paoca.org
Mga Kahilingan para sa Alternatibong Format
Maaaring humiling ang mga taong may kapansanan sa paningin ng mga bersyon sa braille, may malaking print, o magagamit sa screen-reader ng artikulong ito sa pamamagitan ng anyong email sa fcc504@fcc.gov (sa English). Para sa audio at iba pang access, gamitin ang link na "I-explore ang Mga Opsyon sa Accessibility."
Help Center ng Consumer
Matuto tungkol sa mga isyu ng consumer - bisitahin ang Help Center ng Consumer ng FCC sa fcc.gov/consumers. Nasa wikang Ingles ang web page)
Maghain ng Reklamo sa FCC
Pumunta sa aming Center sa Pagrereklamo ng Consumer sa consumercomplaints.fcc.gov (nasa wikang Ingles ang web page) upang maghain ng reklamo o sabihin sa amin ang nangyari sa iyo.