"Sa pinakaunang pangungusap ng Communications Act, idinirekta ng Kongreso ang Federal Communications Commission na tumulong na gawing available ang mga serbisyo ng komunikasyon sa 'lahat ng tao ng Estados Unidos … nang walang diskriminasyon sa batayan ng lahi, kulay, relihiyon, bansang pinagmulan, o kasarian.' Hindi na ito bago. Pero oras na para aksyunan ito nang may panibagong matinding pangangailangan." – FCC Chairwoman Jessica Rosenworcel |
Kailangan ng lahat, saan man sila nakatira o sinuman sila, ng access sa matatag na serbisyo ng high speed broadband para magtagumpay sa ika-21 siglo. Hindi dapat ang kita, lahi, etnisidad, o relihiyon ng mga komunidad na pagsisilbihan nito ang dapat tumukoy sa kung saan dapat ipapatayo ang mga network ng broadband. Para magsulong ng patas na access, iniaatas ng Infrastructure Investment and Jobs Act sa FCC na gumawa ng mga tuntunin at patakaran para tugunan ang digital na diskriminasyon at redlining.
Inanunsyo ni Chairwoman Jessica Rosenworcel ang pagbuo ng isang cross-agency Task Force para Pigilan ang Digital na Diskriminasyon na magtutuon sa paggawa ng mga tuntunin at patakaran para labanan ang digital na diskriminasyon at para magsulong ng patas na access sa broadband sa buong U.S., anuman ang zip code, antas ng kita, etnisidad, lahi, relihiyon, o bansang pinagmulan.
Iniutos din ng Kongreso sa FCC na bumuo ng mga modelong patakaran at pinakamahuhusay na kasanayan na puwedeng gamitin ng mga pamahalaang estado at lokal para makatulong na pigilan ang digital na diskriminasyon sa kanilang mga komunidad. Babantayan ng Task Force ang mahalagang gawaing ito. Bukod pa rito, hiniling ng Kongreso na suriin ng FCC ang proseso nito sa reklamo ng consumer. Pagsisikapan din ng Task Force na pahusayin kung paano nanghihingi ng feedback ang ahensya mula sa mga consumer na posibleng nakakaranas ng digital na diskriminasyon sa kanilang mga komunidad.
Sa Open Meeting noong Marso 16, 2022 ng FCC, inaprubahan ng Commission ang Abiso ng Pagtatanong para magsimula ng proceeding (GN Docket No. 22-69) sa mga inisyatibong ito, na dapat makumpleto bago ang Nobyembre 2023 gaya ng ipinag-utos ng Kongreso sa Infrastructure Investment and Jobs Act.
Ang Leadership Team

Patuloy na nagsisilbi si D'wana Terry bilang Acting Special Advisor kay Chairwoman Rosenworcel, kung saan nagpapayo siya kay Chairwoman tungkol sa trabahong puwedeng magawa ng ahensya para matukoy at maiwasto ang mga kawalan ng mga pagkakapantay-pantay sa mga patakaran at programa ng FCC, at Acting Director ng Office of Workplace Diversity ng FCC. Ang Office of Workplace Diversity ay bumubuo, nangangasiwa, sumusuri, at nagrerekomenda sa Commission ng mga patakaran, programa, at kasanayan na naglilinang ng diverse na workforce, at nagsusulong at nagtitiyak ng equal employment opportunity (EEO o patas na pagkakataon sa pagtatrabaho) para sa lahat ng empleyado at aplikante anuman ang lahi, kulay, kasarian, bansang pinagmulan, relihiyon, edad, kapansanan, o sekswal na oryentasyon. Bukod pa rito, marami nang senior leadership position ang hinawakan ni D’wana sa Wireline Competition Bureau, ang Wireless Telecommunications Bureau, at ang Consumer and Governmental Affairs Bureau.
Natanggap ni D'wana ang kanyang J.D. degree mula sa University of Virginia School of Law at ang kanyang B.A. degree na may major sa International Affairs and Mathematics mula sa Lafayette College.

Sumali si Sanford S. Williams sa Task Force mula sa Office of the Chairwoman, na pinapayuhan niya sa puwedeng magawa ng ahensya para matukoy at mapalawak ang mga pagkakataon para sa mga komunidad na dati nang hindi napagsisilbihan nang maayos habang nagsisilbi rin bilang Deputy Managing Director ng FCC. Maraming iba’t ibang tungkulin ang hinawakan ni Sanford sa FCC simula 1999. Nagsilbi rin siya bilang abugado para sa Womble, Carlyle, Sandridge & Rice at kasalukuyang nagtutura sa UCLA School of Law. Nagsilbi si Sanford bilang miyembro ng Federal Communications Bar Association Executive Committee.
Sa edad na 15, nag-enroll si Sanford sa Cornell University, kung saan natapos niya ang undergraduate degree sa operations research and industrial engineering at Master’s in Business Administration mula sa Johnson School of Management. Natapos niya ang kanyang law degree mula sa University of Virginia School of Law kung saan miyembro siya ng Virginia Law Review.

Si Alejandro Roark ang Chief of the Consumer and Governmental Affairs Bureau (CGB) na bumubuo at nagpapatupad ng mga patakaran sa consumer ng commission, kabilang ang access ng may kapansanan. Nagsisilbi ang CGB bilang mukha sa publiko ng commission sa pamamagitan ng outreach at edukasyon, responsable para sa pagsagot sa mga pagtatanong at reklamo ng consumer, at nagpapanatili ng mga collaborative partnership sa mga pamahalaan ng estado, lokal at Tribal. Bago sumali sa FCC, pinamunuan ni Alejandro ang isang CEO roundtable ng mga pambansang organisasyon ng mga karapatang sibil ng Latino na nakikipagtulungan para magsulong ng access, pagpapatupad, at ganap na paggamit ng teknolohiya at mga resource ng telecommunication ng mga komunidad ng Latino sa buong Estados Unidos.
Natapos ni Alejandro ang kanyang Master's in Public Administration na may focus sa applied politics, at ang kanyang B.A. degree sa Interdisciplinary Studies: Communication, Legal Institutions, Economics, and Government mula sa American University.
Task Force Team
Consumer and Governmental Affairs Bureau
- James Brown
- Aliza Katz
Enforcement Bureau
- Traci Randolph
Media Bureau
- Jamila-Bess Johnson
Office of Economics and Analytics
- Joanna Fister
Office of General Counsel
- Malena Barzilai
Wireline Competition Bureau
- Alison Baker
- Adam Copeland
- Rashann Duvall
- Kiara Ortiz
Wireless Telecommunications Bureau
- Morasha Younger
Makipag-ugnayan sa Team
Nais naming marinig ang opinyon niyo. Para humiling ng meeting sa Task Force Team, i-click ang button na "Humiling ng Meeting". Salamat.
News Media Contacts & Resources
Paloma Isabel Perez
FCC Press Secretary
paloma.perez@fcc.gov
Anne Veigle
Deputy Director, Office of Media Relations
anne.veigle@fcc.gov
Office of Media Relations
mediarelations@fcc.gov
202-418-0500
Headlines
- Humihingi ang FCC ng Input kung Paano Lalabanan ang Digital na Diskriminasyon (3/16/22)
- Draft na Abiso ng Pagtatanong: Pagpigil sa Digital na Diskriminasyon sa Access sa Broadband (2/23/22)
- Inanunsyo ni Chairwoman Rosenworcel ang Cross-Agency Task Force para Pigilan ang Digital na Diskriminasyon (2/8/22)