ACP Web Banner

Tungkol sa Programa ng Murang Connectivity

Kamakailang ginawa ng Kongreso ang Programa ng Murang Connectivity, isang pangmatagalan, $14 bilyong programa, na papalit sa Programa ng Benepisyo ng Emergency na Broadband. Ang investment sa murang broadband na ito ay makakatulong na matiyak na makakaya natin ang mga koneksyon sa internet na kailangan natin sa trabaho, paaralan, pangangalagang pangkalusugan at higit pa sa mahabang panahon. Ang FCC ay naghahanap ng komento sa mga pagbabagong ipinatupad sa Infrastructure Investment and Jobs Act at magkakaroon ng mga panuntunan para sa Programa ng Murang Connectivity. Mangyaring umantabay para sa mga karagdagang update.

Ang benepisyo ay magbibigay ng diskwento na hanggang $30 kada buwan sa serbisyo sa internet para sa mga kwalipikadong sambahayan at hanggang $75 kada buwan para sa mga sambahayan sa mga kwalipikadong lupa ng Tribu. Ang mga kwalipikadong sambahayan ay maaari ding makatanggap ng isang beses na diskwento na hanggang $100 para makabili ng laptop, desktop computer, o tablet sa mga kalahok na provider kung patuloy silang mag-aambag nang higit sa $10 at wala pang $50 sa presyo.

Ang Programa ng Murang Connectivity ay limitado sa isang diskwento sa buwanang serbisyo at isang diskwento sa device kada sambahayan.

Sino ang Kwalipikado sa Programa ng Murang Connectivity?

Kwalipikado ang isang sambahayan kung ang isang miyembro ng sambahayan ay nakakatugon sa kahit isa sa mga pamantayan sa ibaba:

  • May sahod na kasing taas o mas mababa sa 200% ng mga pederal na patakaran sa kahirapan;
  • Kalahok sa mga partikular na programa ng tulong, gaya ng SNAP, Medicaid, Federal Public Housing Assistance, SSI, WIC, o Lifeline;
  • Kalahok sa mga programang partikular sa Tribu, gaya ng Bureau of Indian Affairs General Assistance, Tribal TANF, o Food Distribution Program on Indian Reservations;
  • Apribadong makatanggap ng mga benepisyo sa ilalim ng programa ng libre at may diskwentong presyo ng pananghalian sa paaralan o programa ng almusal sa paaralan, kabilang ang sa pamamagitan ng USDA Community Eligibility Provision sa taon ng paaralan na 2019-2020, 2020-2021, o 2021-202;
  • Nakatanggap ng Federal Pell Grant sa kasalukuyang taon ng award; o
  • Nakakatugon sa pamantayan ng kwalipikason para sa kasalukuyang programa sa may mababang kita ng isang kalahok na provider.

Dalawang Hakbang sa Pag-enroll

  1. Pumunta sa GetInternet.gov para magsumite ng aplikasyon o mag-print ng mail-in na aplikasyon; at
  2. Makipag-ugnayan sa iyong gustong kalahok na provider para pumili ng kwalipikadong plano at ipalapat sa iyong bill ang diskwento.

Paano Pinoprotektahan ng ACP ang mga Consumer?

Pinoprotektahan ng mga patakaran ng FCC ang mga benepisyaryo ng Affordable Connectivity Program sa pamamagitan ng:

  • Pagbibigay-daan sa mga consumer na piliin ang service plan na pinakanakakatugon sa kanilang mga pangangailangan (kabilang ang isang plan na maaaring mayroon na sila);
  • Pagtiyak na may access ang mga consumer sa mga sinusuportahang broadband na serbisyo anuman ang credit status nila;
  • Paghadlang sa mga provider na hindi pagsilbihan ang mga consumer na may mga dati nang balanseng dapat bayaran o hadlangang maka-enroll sa programa ang mga may dati nang utang;
  • Paghadlang sa pagpilit sa mga consumer na pumili ng mga plan na mas mahal o may mas mababang kalidad upang matanggap ang ACP;
  • Pagtiyak na hindi mananagot ang mga consumer para sa mga bayarin para sa maagang pagpapaputol;
  • Pagbawas sa potensyal ng bill shock (biglaang paglaki ng bill) o iba pang pinansyal na pinsala;
  • Pagbibigay-daan sa mga benepisyaryo ng ACP na lumipat ng provider o alok ng broadband na serbisyo; at
  • Pagbibigay ng dedikadong proseso ng FCC process para sa mga reklamo sa ACP.

Ang ilang provider ay maaaring may alternatibong aplikasyon na hihilingin nila sa iyo na kumpletuhin.

Makakuha ng Higit Pang Impormasyon sa Consumer

Tingnan ang FAQ ng Consumer ng Programa ng Murang Connectivity para sa higit pang impormasyon tungkol sa benepisyo.

Aling Mga Provider ng Serbisyo ng Internet ang Kalahok sa Programa ng Murang Connectivity?

Iba’t ibang provider ng broadband, kabilang ang mga nag-aalok ng landline at wireless broadband, ang kalahok sa Programa ng Murang Connectivity. Maghanap ng mga provider ng serbisyo sa broadband na iniaalok ang benepisyo sa iyong estado o teritoryo.

Ang mga kwalipikadong sambahayan ay dapat na mag-apply sa programa at makipag-ugnayan sa isang kalahok na provider para makapili ng plano ng serbisyo.

Outreach Toolkit para sa Consumer

Kasama sa toolkit ang mga downloadable na larawan sa social media, fact sheet, at iba pang content at materyal para sa pag-abot ng Affordable Connectivity Program na maaaring i-customize para sa mga campaign para sa kamalayan ng consumer.


Maging Outreach Partner

Nagpapakilos ang FCC ng mga tao at organisasyon to help share important consumer information about the new Affordable Connectivity Program. Para lumahok, pakipunan at isumite ang form sa ibaba:

Mga Opsyonal na Field ng Form

 

Pahayag sa Privacy Act

Ang FCC ay awtorisadong kolektahin ang impormasyong ito alinsunod sa 47 U.S.C. 151, 152, 155, 303; 47 CFR 0.141. Gagamitin ng FCC ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na ibinigay sa para magbahagi ng impormasyon ng outreach, maging ang mga detalye at update sa Benepisyo ng Emergency na Broadband. Maaaring gawin ang mga karagdagang pagsisiwalat kapag kailangan at angkop sa ilalim ng 5 U.S.C. § 552a(b) ng Privacy Act, kabilang ang: pagsunod sa mga pederal na batas na nag-aatas ng pagsisiwalat ng impormasyon na laman ng aming mga record; pagsunod sa mga kahilingan mula sa Kongreso; sa iba pang pederal na ahensya o sa iba pang administratibo o adhudikatibong sangay kung saan awtorisado ang FCC na humarap; para mapabilis ang isang usaping statistical research, audit o imbestigasyon; at, sa mga angkop na ahensya, entity, at tao kapag pinaghihinalaan o kinumpirma ng FCC na nagkaroon ng paglabag sa impormasyon.

Para sa higit pang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa FCC sa ACPinfo@fcc.gov


Humiling ng Speaker

Availablea ng mga FCC consumer expert para ipaliwanag ang Programa ng Murang Connectivity sa iyong event.

Kailangan ng Tulong sa ACP?

Kung kailangan mo ng makakausap tungkol sa iyong pagiging kwalipikado o sa status ng aplikasyon mo, tawagan ang ACP Support Center sa (877) 384-2575.

Para maghain ng hindi pormal na reklamo ng consumer laban sa iyong provider kung saan may kinalaman ang ACP, mag-click dito.


Video ng American Sign Language

Panoorin ang video na ito ng ASL para sa impormasyon tungkol sa ACP, sino ang kwalipikado, at kung paano mag-apply.

Mga Contact at Resource ng News Media

Paloma Isabel Perez
Sekretarya para sa Press ng FCC
paloma.perez@fcc.gov

Tanggapan ng Mga Ugnayan sa Media
mediarelations@fcc.gov
202-418-0500

Fact Sheet ng ACP: PDF

Mahigit 10 Milyong Sambahayan ang Nag-enroll sa Affordable Connectivity Program (2/14/22)

Naglabas ang FCC ng Mga Patakaran para Ipatupad ang Affordable Connectivity Program | I-download ang PDF ng Ulat at Kautusan (Report and Order) (1/21/22)

Gumamit ang FCC ng Mga Patakaran para Ipatupad ang Affordable Connectivity Program (1/14/22)

Naglabas si Chairwoman Rosenworcel ng Draft na Mga Patakaran para sa Affordable Connectivity Program (1/7/22)

Inanunsyo ng FCC ang Affordable Connectivity Program (12/31/21)

Nagbibigay ang FCC ng Karagdagang Patnubay sa Abot-kayang Programa sa Pagkakakonekta (12/30/21)

WCB, Nag-isyu ng Karagdagang Gabay sa Programa ng Murang Connectivity (12/8/21)

WCB, Nag-isyu ng Gabay para sa Transisyon sa Programa ng Murang Connectivity (11/26/21)

FCC, Humihingi ng Mga Komento sa Bagong Programa ng Murang Connectivity (11/18/21)

Updated:
Wednesday, September 21, 2022