Kailan ako maaaring mag-sign up para sa Benepisyo ng Emergency na Broadband?
Maaaring mag-enroll ang mga kwalipikadong sambahayan sa pamamagitan ng aprubadong provider o sa pamamagitan ng pagpunta sa GetEmergencyBroadband.org.
Tingnan ang FAQ ng Consumer ng Benepisyo sa Broadband para sa higit pang impormasyon tungkol sa benepisyo at ipagpatuloy ang pagtingin sa page na ito para sa mga update sa programa.
Direkta ko bang matatanggap ang mga pondo bawat buwan?
Hindi, ang Benepisyo ng Emergency na Broadband ay nagbibigay ng buwanang diskwento sa serbisyo ng broadband na hanggang $50 kada kwalipikadong sambahayan (o hanggang $75 kada kwalipikadong sambahayan sa mga Pantribung lupain). Ang kalahok na provider ng serbisyo ng broadband ang direktang makakatanggap ng mga pondo mula sa programa ng Benepisyo ng Emergency na Broadband.
Aling mga provider ng broadband ang lalahok sa Benepisyo ng Emergency na Broadband?
Iba’t ibang provider ng broadband, kabilang ang nag-aalok ng landline at wireless na broadband, ang lalahok sa Benepisyo ng Emergency na Broadband. Depende kung saan ka nakatira, maaaring may mga mapagpipilian kang provider. Makipag-ugnayan sa mga provider ng broadband sa iyong lugar upang malaman ang tungkol sa kanilang mga plano para sa paglahok sa programa at kwalipikadong alok na serbisyo.
Magkano ang halaga ng pinagandang benepisyo para sa mga residente ng Mga Pantribung Lupain?
Ang mga kwalipikadong sambahayan sa mga Pantribung lupain ay maaaring tumanggap ng kabuuang buwanang diskwento na hanggang $75. Malalaman mo ang higit pa tungkol sa kung aling mga lugar ang mga kwalipikadong Pantribung lupain sa pamamagitan ng pagbisita sa site na ito: getemergencybroadband.org/do-i-qualify/tribal-benefit.
Paglipat ng mga Benepisyo
Magtatapos na ba ang Emergency Broadband Benefit Program?
Ang Emergency Broadband Benefit ay isang programang emergency na binuo bilang tugon sa pandemya ng COVID-19. Kamakailan ay pinalitan ng Kongreso ang Emergency Broadband Benefit program ng Affordable Connectivity Program, isang bago at mas mahabang panahon programa na patuloy na tutulungan ang mga pamilya at sambahayan na nahihirapan sa pagbayad sa serbisyo ng internet.
Ang mga sambahayan na naka-enrol sa Emergency Broadband Benefit Program hanggang Disyembre 31, 2021 ay patuloy na matatanggap ang kanilang kasalukuyang buwanang benepisyo hanggang Marso 1, 2022.
Alamin pa ang tungkol sa Affordable Connectivity Program sa pagbisita sa fcc.gov/ACP
Ano ang magbabago?
- Ang pinakamataas na benepisyo ay magbabago mula $50 kada buwan at magiging $30 kada buwan para sa mga sambahayan na hindi matatagpuan sa mga kuwalipikadong Tribal land. Ang buwanang benepisyo ay mananatiling $75 para sa mga sambahayan na matatagpuan sa mga kuwalipikadong Tribal land.
- Ang mga sambahayan ay may mga bagong paraan upang maging kuwalipikado sa Affordable Connectivity Program, tulad ng pagtanggap ng benepisyong WIC benefits o pagkakaroon ng kita na o mas mababa sa 200% ng Federal Poverty Guidelines
- Ang mga sambahayan na kuwalipikado sa Emergency Broadband Benefit dahil sa malaking pagkawala ng kita na resulta na pagkawala ng trabaho o furlough mula Pebrero 29, 2020, o sa pagtugon sa pamantayan sa programa sa COVID-19 ng kasaling tagapagbigay ng serbisyo, ay kailangan na maging kuwalipikado muli para sa Affordable Connectivity Program. Makikipag-ugnayan sa iyong ang administrador ng programa o ang iyong tagapagbigay ng serbisyo kung kailangan mo maging kuwalipikadong muli.
Mawawala ba ang aking serbisyo ng internet kapag ang Emergency Broadband Benefit program ay magtatapos sa Disyembre 31, 2021?
Hindi ka mawawalan ng serbisyo ng internet sa Disyembre 31. Ang mga sambahayan na naka-enrol sa Emergency Broadband Benefit Program hanggang Disyembre 31, 2021 ay patuloy na matatanggap ang kanilang kasalukuyang buwanang benepisyo hanggang Marso 1, 2022. Ang iyong tagapagbigay ng serbisyo at administrador ng programa (USAC) ay magbabahagi ng mas maraming impormasyon tungkol sa pagpapalit ng programa at mga hakbang na kailangan mong gawin upang patuloy na makatanggap ng may-diskuwentong serbsiyo
Paano ako patuloy na makakatanggap ng diskuwento ng Emergency Broadband Benefit?
Wala kang kailangang gawing aksyon upang patuloy na matanggap ang iyong buwanang diskuwento sa Enero at Pebrero. Patuloy mong matatanggap ang iyong kasalukuyang buwanang benepisyo hanggang Marso 1, 2022.
Kung ako ay kuwalipikado sa Emergency Broadband Benefit dahil sa malaking pagkawala ng kita na resulta sa pagkawala ng trabaho o furlough mula Pebrero 29, 2020 o sa pagtugon sa pamantayan sa programa sa COVID-19 ng kasaling tagapagbigay ng serbisyo, paano ako magiging kuwalipikado saAffordable Connectivity Program?
Ikaw ay makakatanggap ng karagdagang detalye tungkol sa mga hakbang na kailangan mong gawin mula sa administrador ng programa o iyong tagapagbigay ng serbisyo ng internet sa Enero 2022, at bibigyan ng hindi bababa sa 30 araw upang tumugon. Kung nakipag-ugnayan sa iyo, kailangan mong magbigay ng dokumentasyon bilang patunay upang maaari kang magpatuloy sa ACP kapag ang panahon ng transisyon ay matapos Marso 1, 2022. Ikaw ay patuloy na matatanggap ang iyong buong Emergency Broadband Benefit hanggang Marso 1, 2022.
Maaari ko bang magamit ang aking benepisyo sa panahon ng transisyon (mula Disyembre 31- Marso 1) kung ako ay magpalit ng tagapagbigay ng serbsyo?
Oo, kung gusto mong ilipat ang iyong diskuwento sa Emergency Broadband Benefit sa ibang kasaling tagapagbigay ng serbisyo ng internet sa panahon ng transisyon, maaari mong magamit ang iyong Emergency Broadband Benefit hanggang Marso 1, 2022.
Kailan mababawasan ang aking buwanang benepisyo?
Patuloy mong matatanggap ang kabuuan ng iyong Emergency Broadband Benefit hanggang Marso 1, 2022. Ang mga sambahayan na kuwalipikado para sa Affordable Connectivity Program at hindi matatagpuan sa mga kuwalipikadong Tribal land ay magbabago ang benepisyo na pinakamataas na $30 kada buwan pagkatapos ng nasabing petsa.
Sa kasalukuyan ang aking buwanang bill ay sakop ng buo ng Emergency Broadband Benefit, ang Affordable Connectivity Program ba ay sakop ang aking buong buwanang bill?
Para sa mga sambahayang hindi matatagpuan sa mga kuwalipikadong Tribal land, kung ang iyong buwanang bill sa serbisyo ay mababa sa $30 kada buwan ito ay patuloy na masasakop nang buo ng Affordable Connectivity Program. Kung ang iyong bill ay nagkakahalaga ng higit sa $30 kada buwan ikaw ang magiging responsable sa nalalabing halaga. Makipag-ugnayan sa iyong tagapagbigay ng serbisyo upang malaman kung sila ay may ibang mga plan na maaaring masakop nang buo ng bagong $30 halaga ng benepisyo.
Para sa mga sambahayan sa mga kuwalipikadong Tribal land, ang halaga ng benepisyo ay mananatiling $75 kada buwan ayon sa Affordable Connectivity Program. Ang buwanang bill sa serbisyo na hanggang $75 ay patuloy na masasakop nang buong benepisyo ng Affordable Connectivity Program.
Paano nito maaapekthan ang aking buwanang bill sa internet?
Kung ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong buwanang bill, kasama ang halaga ng iyong bill, panahon ng pagbabago sa iyong bill, pagbabago sa iyong service plan, atbp., mangyaring makipag-ugnayan sa iyong tagapagbigay ng serbisyo ng internet.
Kung ikaw ay may karagdagang katanungan tungkol sa transisyon sa Affordable Connectivity Program, makipag-ugnayan sa ACPSupport@USAC.org o sa 877-384-2575.
Pagiging Kwalipikado
- Sino ang kwalipikado para sa Benepisyo ng Emergency na Broadband?
- Maaari ba akong mag-apply para sa Benepisyo ng Emergency na Broadband kung mayroon akong lampas na sa takdang petsa na balanse sa provider?
- Maaari ba akong mag-sign up para sa Benepisyo ng Emergency na Broadband kung kostumer na ako o kung kostumer ako dati?
- Maaari ba kaming makakuha ng kasama ko sa kwarto ng kanya-kanyang buwanang diskwento?
- Ano ang Lifeline at paano ako magiging kwalipikado?
- Mayroon bang anumang organisasyon o sinumang indibidwal na hindi kasama sa mga panuntunan sa Hindi Dapat Tawagan?
- Maaari ko bang matanggap ang Benepisyo ng Emergency na Broadband at mga benepisyo ng Lifeline sa parehong pagkakataon?
- Ang lahat sa paaralan ng aking anak ay nakakatanggap ng libreng almusal at tanghalian. Kwalipikado ba kami?
- Nakatira ako sa isang tirahang binubuo ng maraming yunit (halimbawa, isang gusali ng apartment) at nagbabayad kami sa tagapamahala ng ari-arian/nagpapaupa ng buwanang bayarin para sa aming Internet. Makukuha ko ba ang Benepisyo ng Emergency na Broadband?
- Lumahok ako sa programa ng provider para sa COVID-19 sa Tagsibol ng 2020, pero hindi na ako nakatala sa programang iyon. Magiging kwalipikado ba ako para sa Benepisyo ng Emergency na Broadband dahil sa nakaraang paglahok ko sa programang iyon?
Paano Mag-apply
- Paano ako makakapag-apply?
- Maaari ba akong mag-apply nang direkta sa isang provider?
- Kung kasalukuyan akong tumatanggap ng mga benepisyo ng Lifeline, kailangan ko bang mag-apply?
- Paano binibigyang-kahulugan ang "sambahayan" para sa mga layunin ng Benepisyo ng Emergency Broadband?
- Anong dokumentasyon ang kailangan kong ibigay kapag nag-apply ako para sa Benepisyo ng Emergency Broadband?
- Paano ko mapapatunayan na aprubado ang anak ko para sa programa ng libre at mas murang tanghalian o almusal sa paaralan?
- Kanino ako makikipag-ugnayan kung mayroon akong kapansanan at gusto kong magpatulong sa pag-apply para sa Benepisyo ng Emergency Broadband?
Mga Kwalipikadong Plano ng Broadband
- Magkano ang serbisyo ng broadband?
- Maaari ko bang i-upgrade ang aking kasalukuyang plano upang samantalahin ang buong $50 kada buwan (o $75 kada buwan sa mga Pantribung lupain)?
- Kung ang plano ng serbisyong pipiliin ko ay $40 kada buwan, makukuha ko ba ang ekstrang pera?
- Kung ang pipiliin kong plano ay mahigit sa buwanang diskwento para sa serbisyo ng broadband, ako ba ang magbabayad sa sobrang halaga?
- Kasalukuyan akong naka-subscribe sa isang bundle ng mga serbisyo na may kasamang internet, TV, at telepono. Maaari ko bang ilapat ang Benepisyo ng Emergency na Broadband sa aking buwanang bill?
- Maaari bang ibayad ang bahagi ng buwanang diskwento para sa aking bayarin sa pagrenta ng router?
- Maaari ba akong mag-opt out sa mga naka-autodial na tawag?
Mga Nakakonektang Device
Paano gumagana ang $100 na benepisyo sa device?
Maaaring ma-reimburse sa mga kalahok na provider ng serbisyo ng broadband ang hanggang $100 kung magsu-supply sila ng nakakonektang device sa isang sambahayan, sa kundisyong magbabayad ang sambahayan ng mahigit $10 ngunit mas mababa sa $50 para sa device. Ibig sabihin, upang masulit ang benepisyong ito, dapat itong gawin sa pamamagitan ng iyong kalahok na provider ng broadband, at dapat kang mag-ambag ng bahagi sa gastusin. Limitado ang benepisyo sa device sa laptop, desktop computer, o tablet. Hindi kasama rito ang mga cell phone, malaking telepono, o “mga phablet” na nakakapagsagawa ng mga cellular na tawag.
Kung nakatira kami ng aking anak sa isang sambahayan, maaari ba kaming makakuha ng sarili naming nakakonektang device sa pamamagitan ng Benepisyo ng Emergency na Broadband?
Hindi. Ang bawat sambahayan ay limitado sa isang diskwento sa device.
Pantribu
Kinakailangan bang mga miyembro ng Tribu ang mga indibidwal para maging kwalipikado para sa pinagandang Pantribung benepisyo?
Hindi. Matatanggap ng sinumang nakatira sa mga kwalipikadong Pantribung lupain ang pinagandang Pantribung benepisyo. Hindi nila kailangang maging miyembro ng Tribu.
Paano ko malalaman kung kwalipikado ang aking sambahayan para sa pinagandang Pantribung benepisyo?
Malalaman mo ang higit pa tungkol sa kung aling mga lugar ang mga kwalipikadong Pantribung lupain sa pamamagitan ng pagbisita sa site na ito: getemergencybroadband.org/do-i-qualify/tribal-benefit.
Maaari ko bang matanggap ang parehong pinagandang Pantribung Benepisyo ng Lifeline at ang $75 na Benepisyo ng Emergency na Broadband bawat buwan?
Oo. Ang kwalipikadong sambahayan sa mga Pantribung lupain ay maaaring tumanggap ng $34.25 na Pantribung benepisyo ng Lifeline at $75 na Benepisyo ng Emergency na Broadband. Maaaring ilapat ang mga ito sa iisang kwalipikadong serbisyo o nang hiwalay sa isang serbisyo ng Lifeline at isang serbisyo ng broadband sa pareho o magkaibang provider sa kundisyong kalahok ang provider sa programa ng Benepisyo ng Emergency na Broadband. Halimbawa, ang isang kwalipikadong sambahayan ay maaaring magkaroon ng serbisyo ng mobile na suportado ng Lifeline at hiwalay na serbisyo ng broadband sa bahay na suportado sa pamamagitan ng Benepisyo ng Emergency na Broadband.